Likhang isip lang
September 5th, 2008 by silvaknightNoon, walang kinalaman ang pagmamahal sa pagpapakasal. Pagkapanganak mo pa lang, nag-usap na ang magulang mo sa magulang ng nakatakda mong pakasalan na pagtanda ninyong dalawa, ikakasal kayo. Matututunan niyo ring mahalin ang isa’t isa. Wala na rin naman kayong magagawa diba?. Kaysa naman kasuklaman mo ang makakasama mo habang buhay diba?
Sa kasalukuyang panahon, meron pa ring mga magulang na sumusunod sa mga kaugalian noon. Isa na rito ang magulang ni Sally. Hindi naman talaga makaluma ang kaugalian ng pamilya ni Sally. Aksidenteng napangakuan ni Gerardo, ang tatay ni Sally, ang magulang ni Japet na pagtanda nina Sally at Japet magpapakasal sila. Pabiro ba naman kasing sinabi ni Gerardo na “Aba pare, mare. Ang gwapo niyang anak mong si Japet ah. Dapat pagtanda niyan, si Sally ko pakakasalan niya ha.” Akalain mo namang naniwala at pumayag agad ang magulang ni Japet. Hindi naman masabi ni Gerardo na nagbibiro lang siya kasi ayaw niyang masaktan ang mga magulang ni Japet. Kung sa bagay, hindi mo naman masisisi ang pamilya ni Japet, matagal na kasing ginagawa ng pamilya niya ang pagpili ng pakakasalan ng anak nila.
Sa pagtanda ni Sally, hindi na ipinaalam ni Gerardo ang tungkol sa kasunduan nila ng magulang ni Japet. Isa na siguro sa dahilan kung bakit hindi na sinabi kay Sally eh dahil lumuwas papuntang Amerika ang pamilya ni Japet. Sa pag-alis ng pamilya ni Japet, akala ni Gerardo eh lumipad na rin ang pangakong magpapakasal si Japet at Sally. Hindi nagtagal eh nakalimutan na rin ni Gerardo ang tungkol doon.
Dalaga na si Sally at nagkaroon na rin siya ng karelasyon sa katauhan ni Karl. Mag-iisang taon na sila. Lagi mong makikita sa mata nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Hindi rin tutol sa relasyon nila ang magulang ni Sally at kung minsan ay doon na rin kumakain si Karl sa bahay nila. Maayos ang lahat hanggang isang araw…
*ring ring* *ring ring* *ring ring*
Gerardo: hello? Fernandez residence.
???: good afternoon po, can i speak to Mr. Gerardo Fernandez?
Gerardo: Speaking.. who is this?
???: Ninong Gerard!, it’s me, ung inaanak mong si Japet!
Gerardo: Japet!, how are you my boy? kumusta na ang America?
Japet: maayos naman po sa America ninong! Actually nasa Pilipinas na po ako ngayon.
Gerardo: o eh ano namang dahilan at napabalik ka sa Pilipinas ha Japet?
Japet: Pinauwi po ako ng nina daddy at mommy, sabi nila, wag daw akong bumalik doon unless I get married na eh.
Gerardo: Married? may fiance ka na Japet? imbitahan mo ako sa kasal ninyo ha?
Japet: Ninong naman, have you forgotten already? i’m getting married to Sally, remember?
nanatiling tulala si Gerardo habang hawak ang telepono ng ilang oras…